Nakitaan ng bahagyang pagtaas ang kasalukuyang lebel ng tubig sa dalawang dam sa Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometreology division, naitala ang 194. 93 na antas ng tubig sa Angat Dam ngayong araw na mas mataas kumpara sa 194.66 meters na naitala kahapon.
Habang kasalukuyang nasa 78.75 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na mas mataas rin kumpara sa 78.73 meters kahapon.
189.60 meters naman ang lebel ng tubig sa Magat Dam kung saan mas mataas ito ng 0.36 meters kaya sa naitala kahapon na 189.24 meters.
Nabatid na ang bahagyang pagtaas na ito ay bunsod ng ilang araw na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.