Patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang mga dam sa bansa.
Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumaba sa 194.92m ang antas ng tubig sa Angat Dam, na mas mababa kumpara sa 195.01m kahapon.
Mula naman sa 78.80m kahapon, bumaba sa 78.79 ang water level sa La Mesa Dam.
Bahagyang bumaba rin ang antas ng tubig sa Ipo Dam, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dam.
Kahit naman mababa pa sa normal high water level ang tubig sa magat dam ay nagpakawala pa rin ito ng tubig.