Bumababa pa rin ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon bunsod ng matinding tagtuyot.
Dahil dito, posibleng magbawas ng water allocation sa irigasyon at water supply sa Metro Manila.
Ito, ayon kay PAGASA Hydrologist Gine Nivares, ay lalo na kapag bumaba sa below normal curve level na 180 meters ang tubig sa Angat Dam sa Bulacan.
Kaninang umaga, nasa 196.45 meters na ang water level ng Angat.
Sa pagbantay ng PAGASA Hydrometeorology Division, bumaba na rin ang water level sa Ambuklao Dam sa Benguet, nasa 747.40 meters; sa Binga Dam na nasa Benguet din, nasa 569.54 meters; sa San Roque Dam sa Pangasinan, nasa 253.30 meters, at sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija, nasa 192.52 meters.
Samantala, tumaas ng 0.15 meter ang tubig ng Magat Dam sa Isabela at nasa 170.80.
By Avee Devierte