Inihayag ng National Water Resources Board (NWRB) na posibleng tumaas ang antas ng tubig sa mga dam partikular na sa Angat Dam na nagsusuplay ng tubig sa buong Metro Manila.
Ito ay dahil sa La Niña phenomenon o ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila at ibang lugar sa bansa.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, mas mataas pa sa normal water level ang inaasahan ngayong taon batay na rin sa abiso ng PAGASA.
Ayon kay David, kailangang naka-alerto ang lahat ng mga nangangasiwa ng mga dam at mga lokal na pamahalaan upang maging ligtas ang mga residenteng maaapektuhan ng pagbaha.