Ikinalugod nina Senate Committee on Agriculture Chairman Cynthia Villar at Sen. JV Ejercito, ang pagkakapasa ng Anti – Agriculture Smuggling Bill sa senado.
Layunin ng panukala na maideklarang economic sabotage ang large scale agriculture smuggling.
Maliban sa multa na doble ng fair market value at duties ng ipinuslit na produkto, maaari din maharap sa 17 hanggang 20 taong pagkabilanggo, ang mga suspek.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)