Sinabayan ng mga militanteng grupo ang pormal na pagdaraos ng APEC Summit ngayong araw.
Nagtipun-tipon ang iba’t ibang grupo sa espaniya at nagmartsa hanggang sa Quezon Bridge hanggang sa makarating sa bahagi ng Liwasang Bonifacio.
Maaga ring nagtungo sa Mendiola ang mga katutubong dumagat, mangyan at Lumad bitbit ang mga sulo.
Dahil dito, paralisado na ang mga nabanggit na kalsada sa lungsod ng Maynila dahil sa hinarangan na ito ng mga pulis at demonstrador.
Ayon kay Renato Reyes, Secretary General ng grupong Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN, kanilang iginigiit ang pagbasura sa Apec dahil hindi naman ito pakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco