Umakyat ng 32% ang mga naitalang anti-Asian incidents sa Canada noong 2021.
Batay sa datos ng The Chinese Canadian National Council – Toronto, sumampa na sa 318% ang racist incidents na nangyari laban sa mga South Asians habang 121% laban sa mga Southeast Asians.
Nabatid na halos kalahati ng 943 incidents ay naganap sa mga pampublikong lugar.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro ng Filipino Canadian National Congress o FCNC, inisiwalat ni Filipino Canadian Member of Parliament Rechie Valdez na maging ang kanyang ina at tiyahin ay naging biktima rin ng racism.