Pinasisiguro ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng Anti-Bullying Law o RA 10627 at child protection committee sa bawat paaralan sa bansa.
Ito ay para matugunan ang problema sa bullying.
Binanggit ni Gatchalian ang 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), kung saan lumalabas na mataas ang exposure sa bullying ng mga itinuturing na poor readers.
Sa naturang pagsusuri, nakita na ang mga mag-aaral na Pilipino ang may pinakamaraming karanasan ng bullying.
Napag-alamanan rin na nasa 65% ng mga Pilipinong mag-aaral na 15 taong gulang ang ilang beses nang nakaranas ng bullying sa loob ng isang buwan.
Sa pagpapatupad ng Anti-Bullying Law, sinabi rin ni Gatchalian na kaakibat nito ang responsibilidad ng mga mag-aaral, kanilang mga magulang, at school staffs. —mula sa panulat ni Hannah Oledan