Isa nang ganap na batas ang panukala na nagbabawal sa pagpapakasal ng mga menor de edad lalo na ng mga batang babae.
Batay sa Republic Act 11596 o Anti-child Marriage Law, ituturing na ilegal ang child marriage kung saan papatawan ng hindi bababa sa 40,000 pesos ang mga lalabag dito at makulong nang hanggang 12 taon ang sinumang mga magulang, tagapag-alaga, o mga nasa hustong gulang na nag-ayos o nagsagawa ng child marriage.
Ayon kay House Deputy Speaker at bagong henerasyon Rep. Bernadett Herrera, may akda at co-sponsor ng panukala, malaking tulong ito upang wakasan ang child marriage sa bansa na isang uri aniya ng karahasan laban sa mga bata.
Malaki rin aniya itong hakbang upang matiyak ang karapatan ng mga bata para sa kanilang magandang kinabukasan.