Pinasalamatan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabatas ng anti-child marriage law sa bansa.
Binigyang diin ng ahensya ang kahalagahan ng lahat ng mga bata namabigyang proteksiyon at pag-unlad na kanilang kailangan.
Sa ilalim ng batas, pangungunahan ng DSWD ang pagpapatupad ng batas at tututukan ang paglikha ng mga angkop na programa na tutugon sa paglaganap ng child marriage.
Samantala, inatasan naman ng gobyerno ang naturang ahensya na makipagtulungan sa Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapalabas ng mga alituntunin at pagtatatag sa popularisasyon at lokalisasyon ng batas. —sa panulat ni Kim Gomez