Bumuo ng Anti-Corruption Committee ang Department of Human Settlements and Urban Development.
Ayon kay DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario, ang komite ay bahagi ng pangako ng ahensya upang makapaghatid ng mga proyektong napakikinabangan ng lahat.
Sinabi pa ni Del Rosario na ang komite ay gagamitin upang makapagsagawa ng check and balance sa mga polisiya ng gobyerno, programa at operasyon nito.
Sa ilalim ng Executive Order No.43, lahat ng ahensya sa sangay ng ehekutibo ay obligadong bumuo ng Anti-Corruption Committees.—sa panulat ni Hya Ludivico