Salat sa kampanya kontra katiwalian ang Administrasyong Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Senador Antonio Trillanes sa panayam sa programang Balita Na, Serbisyo Pa sa DWIZ.
Kampanya lamang, aniya, ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil siya mismo ang corrupt.
“Wala naman, buti kung meron silang anti-corruption drive. Kampanya lang yun, dahil siya nga mismo korap”, ayun kay Trillanes.
Kaugnay nito, hinamon ni Trillanes ang Pangulo at kampo nito na ilabas ang transaction history ng naturang bangko kung talagang malinis sila.
“Sinasabi ko nung kampanya palang na meron kaming mga dokumento na meron siyan P2 Billion sa bangko sa pangalan niya at hinahamon ko nga sila noon at hanggang ngayon sabi ko magre-resign ako kung mali itong mga dokumento ko na meron siyang mahigit P2 Billion sa bangko sa pangalan niya, hindi na sila bumalik”, pahayag ni Trillanes
“Kung talagang gusto nila akong mawala sa problema nila, kung totoong malinis sila ilabas nila yung transaction history nung mga bangko na yun at makita ngayon kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako umaasa na merong gagawin sa corruption kase siya mismo ay korap”, dagdag pa ni Trillanes.
Sa ngayon, hindi pa lang, aniya, kumbinsido ang taumbayan na tiwali ang Pangulo.
Gayunpaman, tiniyak ni trillanes na darating din ang panahon na mapagtatanto ng tao na nabola lang sila.
“Ngayon, ayaw palang, hindi pa kumbinsido yung mga kababayan natin diyan sa ngayon pero darating din tayo at hopefully tanggapin nila yung katotohanan na nabola lang sila”, ani Trillanes.
By: Avee Devierte / Race Perez
Credits to: Balita Na, Serbisyo Pa program sa DWIZ mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM to 7:00 PM kasama sina Jun Del Rosario at Mariboy Ysibido