Inilunsad ng GCG o Governance Commission for GOCC’s ang active approach tungo sa transparency at accountability sa government owned and controlled corporation sector sa pulong ng Asia Pacific Network on Corporate Governance of State-Owned Enterprises sa Jakarta, Indonesia.
Ang Asia Pacific SOE Network ay nagsisilbing forum para sa policymakers, practitioners at experts mula sa mga bansa sa Asia Pacific Region tutukan ang mga hamon at magpalitan ng mga hakbangin kaugnay sa soe ownership at governance.
Ito rin ay nagiging pagkakataon para ma-evaluate ang corporate governance policies at practices at mag develop ng mga rekomendastyon para sa mga epektibong reporma na uubrang gawin sa asian economies.
Sa nasabing pulong, ipinabatid ni GCG commissioner Geraldine Marie Berberabe-Martinez ang inisyu ng GCG nung 2014 na Whistleblowing Policy para sa GOCC sector para mai- report ng sinuman at magbigay ng mga impormasyon hinggil sa usaping kinasasangkutan ng mga naging aksyon ng directors/trustees, officers at employees ng GOCC’s.
Sa naturang pagpupulong din ipinakilala ni Berberabe-Martinez ang Anti-corruption and Integrity Program ng GCG sa Asia Pacific Region na magpapatupad ng accountability sa GOCC sector.