Mas matinding anti-criminality effort ang inilusad ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar, nasa pitong libo walong daang (7,800) mga pulis ang naglilibot sa buong Metro Manila upang matiyak na ligtas ang lahat ng nag-sa-shopping o namamasyal ngayong Kapaskuhan.
Bagamat nakasentro aniya ang mga pulis sa mga malls, simbahan, transportation hubs at vital installations, mayroon ding nag-iikot sa mga residential upang matiyak na ligtas ang mga kabahayang naiwan ng ating mga kababayan na umuwi ng probinsya.
—-