Tuluyan nang hindi gagamitin ng Department Of Health ang anti-Dengue vaccine na Dengvaxia ng French Pharmaceutical company na Sanofi-Pasteur.
Ito’y ayon sa DOH ay matapos ang panibagong abiso ng World Health Organization na nagsabing kailangan ng pre-screening dito bago ibigay sa mga pasyente.
Ayon kay Health Undersecretary Rolando Domingo, dahil sa abisong ito ng WHO, posibleng itigil na rin ng tuluyan ng DOH ang anti-Dengue immunization program sa mga susunod na taon.
Magugunitang itinigil ng DOH ang pamamahagi sa mga bakunang Dengvaxia sa mga kabataan matapos ang naging kontrobersiya sa epekto nito sa mga kabataang naturukan subalit wala namang history ng naturang sakit.