Nakatanggap ng anti-dengue at iba pang vector control supplies ang Imus Health Office at ilang mga paaralan mula sa Department of Health (DOH) Center for Health Development- CALABARZON.
Kabilang sa mga ipinamahagi ng ahensya ang olyset bed nets, olyset screens, insecticides, ovitrap, larvicides at spray cans.
Napagkalooban ng mga supply ang Gov. D.M. Camerino Integrated School, Imus Pilot Elementary School at Buhay na Tubig Elementary School.
Sinabi ng DOH-CALABARZON na nagsagawa na rin sila ng misting at clean-up operations sa tulong ng City Health Office sa lugar upang mapigilan ang paglaganap ng dengue.