Isasailalim sa re – evaluation ng World Health Organization o WHO ang kaligtasan ng anti – dengue vaccine na ‘dengvaxia’ na gawa ng Sanofi Pasteur.
Kasunod na din ito ng pag – amin ng Sanofi na delikado ang nasabing bakuna sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Ang full review ay nakatakdang isagawa ng Global Advisory Committee on Vaccine Safety at Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) na siyang magpapalabas ng revised guidelines kaugnay sa paggamit ng dengvaxia.
Magugunitang sa lumabas na position paper ng WHO noong Hulyo 2016, conditional recommendation ang ibinigay nito para sa paggamit ng dengvaxia na anito’y dapat gamitin lamang sa mga lugar na may matinding kaso ng dengue.