Inihayag ng Department of Health (DOH) na patapos na ang pag-develop sa bakuna kontra sa sakit na dengue matapos ang halos 20 taong pag-aaral ukol dito.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee-Suy, tagapagsalita ng DOH, tapos na ang testing sa anti-dengue vaccine.
For registration na aniya ang bakuna sa Food and Drug Administration (FDA) at sa oras na maisumite ang kaukulang dokumento at papeles, puwede na itong gamitin sa mga tao.
Ipinabatid ni Lee-Suy na isa ang Pilipinas na unang makakagamit ng anti-dengue vaccine.
Ito’y sa kadahilanang isa ang Pilipinas sa mga bansa kung saan dinevelop at tinesting ang bakuna.
By Meann Tanbio