Dapat maisulong ang tunay na panukalang batas na magsusulong ng pantay na pagtrato sa bawat isang Pilipino partikular na iyong mga miyembro ng Lesbians, Gays, Bisexuals at Transgenders (LGBT).
Ito ang pananaw ni Senador Joel Villanueva hinggil sa panukalang Sexual Orientation & Gender Identity Expression (SOGIE) na naglalayong ipagbawal ang anumang uri ng diskriminasyon batay sa kasarian.
agama’t suportado ni Villanueva ang nakabinbing anti-discrimination bill, nilinaw niya na dapat ding magkaroon ng hangganan o limitasyon hinggil sa mga papayagan at pagbabawalan ng batas.
Magugunitang isinulong sa Senado ni Senadora Risa Hontiveros ang panukalang batas na nagpaparusa sa mga institusyon at establisyemento na hindi kumikilala sa karapatan ng mga nasa LGBT Community.
Subalit ayon kay Villanueva, makabubuting ilagay din naman sa tamang konteksto ang isinusulong na batas.