Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na walang planong sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘urgent’ ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.
Paglilinaw ni Presidential spokesman Salvador Panelo, nang sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang katulad na panukala, kanyang tinutukoy ang ‘anti-discrimination bill’ at hindi ang SOGIE bill.
Ang tinutukoy aniya ng pangulo ay ang kahalintulad na anti-discrimiation ordinance na umiiral sa Davao na naipasa noong siya ay nanunungkulan pa bilang mayor sa naturang lugar.
Magugunitang noong Martes ay direktang tinanong ang pangulo kung sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang SOGIE equality bill.
Yes, whatever would make the mechanisms of, what would make them happy,” sagot ni Duterte.