Inaprubahan ng House Committee on Human Rights ang substitute bill hinggil sa panukalang nagbabawal sa diskriminasyon base sa ethnicity, race, color sex, gender, sexual orientation, gender identity, gender expression at sex characteristics.
Sa ginawang online meeting inaprubahan ng komite ang pagsusulong ni Bataan Representative Geraldine Roman ng kumprehensibong Anti-discrimination Bill subalit kailangang bukas sa pag amiyenda.
Nakasaad din sa panukala na lahat ng mga ahensya, korporasyon, kumpanya at mga eskuwelahan gayundin ang sinumang tao na nagbibigay ng trabaho, pabahay, edukasyon at delivery ng mga pangunahing bilihin na bumuo ng non-discrimination at equal opportunity committee.
Sa naging pulong nuong isang linggo pinagtalunan ng mga kongresista ang pagsasama ng gender identity sa mga pagbabasehan para sa diskriminasyon.
Nagpaabot naman ng reservation hinggil dito si House Deputy Seaker Bienvenido Abante subalit bumoto naman ang panel para mapanatili ito.