Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na magpaparusa sa mga iresponsableng pagmamaneho ng sasakyan.
Ayon kay Senador Sergio Osmeña III, Chairman ng Senate Committee on Public Services, layon ng Senate Bill 3211 o ang Anti-Distracted Driving Act na iligtas ang publiko sa panganib ng hindi wastong pagmamaneho tulad ng paggamit ng cellphone at iba.
Sakaling maging batas, papatawan ang sinumang lalabag ng multang hindi bababa sa P15,000 at pagkakasuspinde ng lisensya.
Gayunman, ligtas sa anumang parusa sa ilalim ng nasabing batas ang paggamit sa cellphone ng isang tsuper sa emergency situations tulad ng pagtawag sa pulis, bumbero, ambulansya.
Taong 2014 pa nang maipasa ang bersyon ng nasabing batas sa Kamara de Representantes na iniakda nila Northern Samar Rep. Hilarin Abayon, Antipolo Rep. Romeo Acop, Pampanga Rep. Gloria Arroyo at 6 na iba pa.
By Jaymark Dagala