Agad na nasampolan ang aabot sa tatlumpung (30) motorista sa unang araw pa lamang ng implementasyon ng ADDA o Anti-Distracted Driving Act.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Board Member at Spokesperson ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board, huli agad ang sinumang motorista na makikitang may hawak na cellphone.
Sinabi ni Lizada na ang isang salita na dapat tandaan ng mga motorista upang hindi malabag ay “holding” o paghawak sa cellphone o electronic gadget habang nagmamaneho.
Sa ilalim ng ADDA, pinapayagan lamang ang paggamit ng cellphone bilang navigational tool subalit kailangan ay inilalagay ito sa may apat na pulgada mula sa taas ng dashboard ng sasakyan.
“Ang bawal lang talaga ay hawakan ang electronic gadgets ninyo…”
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Aileen Lizada ng LTFRB