Pinasususpinde ni Senator JV Ejercito sa Department of Transportation o DOTr ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act.
Ito, ayon kay Ejercito, ay hangga’t walang nailalatag na implementing rules and regulations na dahilan ng kalituhan ng mga motorista.
Tila hindi anya hindi naiintindihan ng Department of Transportation at Land Transportation Office o LTO ang nilalamang ng nasabing batas.
Iginiit ni Ejercito na dapat payagan ang mga cellphone para sa navigational purposes nito lalo’t malaking tulong ito sa mga motorista sa gitna ng nararanasang matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila at mga karatig lugar.
Dagdag ng senador, dapat i-rekunsidera ng DOTr ang mga mahigpit na probisyon ng batas hinggil sa paglalagay ng cellphones sa line of sight ng mga driver.
By Drew Nacino | With Report from Cely Bueno