Epektibo na muli simula sa Hulyo 6 ang Anti-Distracted Driving Law.
Ito’y makaraang kahapon inilabas ng Department of Transportation o DOTr ang implementing rules and regulations ng nasabing batas.
Sa ilalim ng nasabing batas, ipinagbabawal ang paggamit ng anumang mobile communications device sa pagsulat, pagpapadala o pagbabasa ng text based communication, pagtawag at pagtanggap ng tawag mula sa mga handset gadget.
Ipagbabawal din ang paggamit ng electronic entertainment device, manood ng pelikula, mag-surf sa internet at headseat.
Gayunman, nilinaw ng DOTr na hindi naman paglabag sa naturang batas kung gumagamit ng mobile communication devices sa pamamagitan ng hands free function sa pamamagitan ng earphone at speaker phone.
By Drew Nacino