Tuloy pa rin ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakasa ng mga operasyon kontra illegal na droga kahit pa ngayong Semana Santa.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa , talamak ngayong panahon ng bakasyon ang bentahan ng Ectasy at party drugs lalo na sa mga gimikan sa Bonifacio Global City (BGC).
Bumalik na kasi aniya ang mga supplier ng nasabing mga illegal na droga kaya tiyak na marami na naman ang malululong dito.
Dagdag pa ni Dela Rosa, maliban sa mga gimick bars ay mahigpit din nilang babantayan ang mga tourist destinations at beach resorts sa bansa na target na pinupuntahan ng publiko.