Nananatili pa rin ang kredibilidad ng anti-drug war campaign ng administrasyong Duterte.
Ito ang iginiit ng Palasyo sa gitna ng kontrobersya na kinasasangkutan ng ‘ninja cops’ na umano’y na nagrerecycle ng mga nakumpiskang iligal na droga.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kakaunti lamang ang mga nasangkot sa isyu kumpara sa 185 “strong police force.”
Naniniwala rin si Panelo na dahil nabunyag na ang modus ng mga tiwaling pulis at nadiskaril na rin ang kanilang mga diskarte.
Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na nananatiling pursigido si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang paglaban sa iligal na droga sa bansa.