Muling nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) lalo na sa publiko na mag-ingat sa bawat biyahe sa harap na rin ng nalalapit na mga pagdiriwang ngayong Disyembre tulad ng pasko at bagong taon.
Sa laging handa public briefing, ibinabala ni LTO Chief Jay Arthur Tugade na mahigpit nilang ipatutupad ang anti-drunk and driving law dahil mahalagang gawing ligtas ang mga kalsada sa pamamagitan ng pagmamaneho nang nasa katinuan o walang impluwensiya ng alak.
Inamin naman ni Tugade na tumaas ang bilang ng mga motoristang lumalabag sa mga batas trapiko pati na ng Overloading Policy ngayong papalapit na ang holiday season.
Samantala, binalaan naman ni Tugade ang mga fixer at iba pang taong sangkot sa iligal na gawain sa paligid ng kanyang tanggapan na papatawan sila ng pinakamabigat na parusa sa sandaling mahuli at mapatunayang lumabag sila sa batas. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13).