Ipatutupad ng Commission on Elections sa kauna-unahang pagkakataon ang Anti-Dynasty Provision sa Sangguniang Kabataan Elections.
Alinsunod ito sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 na nilagdaan ni dating Noynoy Aquino upang maging ganap na batas noong 2016.
Ayon kay COMELEC Spokesman at Director James Jimenez, dapat magkaroon ng deklarasyon ang mga SK Candidate sa kanilang Certificates of Candidacy na wala silang kaugnayan hanggang sa second civil degree na mga incumbent o halal na government official.
Sa oras anya na mapatunayan na may mga kaanak ay diskwalipikado para sa nasabing halalan ang sinumang S.K. candidate.
Samantala, i-mo-monitor din ng poll body ang posibleng karahasan at vote buying sa Barangay at SK Elections na isasagawa sa pamamagitan ng manual voting, sa Mayo 14.