Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang Panukalang Anti-Financial Account Scamming Act o House Bill 739 sa botong 256 na pabor at walang tumutol.
Layunin ng naturang panukala na proteksyunan ang taumbayan laban sa scam online o iyong mga nagnanakaw ng impormasyon at pera mula sa bangko at e-wallet.
Gaya ng pag-regulate sa mga bank account at e-wallet at pagpaparusa sa mga nasa likod nito.
Kung saan makukulong ng anim na buwan hanggang anim na taon ang sinumang money mule o mga nagnanakaw, kumukuha, tumatanggap, naglilipat, o nagwi-withdraw ng pera o pondo sa mga banko o e-wallet at pagmumultahin ng P100, 000 hanggang P200, 000.
Habang magmumulta naman ng P200,000 hanggang P500,000 ang mga nasa likod ng social engineering scheme o panloloko para makuha ang confidential o personal na impormasyon ng mga may-ari ng bank account o e-wallet.