Aprubado na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na magpapalakas sa Republic Act 8049 o Anti Hazing Law at magpapataas sa parusa sa mga lalabag dito.
Ayon kay Senate Committee on Public Order Chairman Panfilo Lacson posibleng maratipikahan na ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang bicameral report ng nasabing panukalang batas.
Aniya, sa nasabing panukalang batas ganap nang ipinagbabawal ang hazing kung saan saklaw dito ang mental, emotional, psychological at physical na pagpapahirap sa isang neophyte sa fraternity, sorority o anumang organisasyon.
Sinabi pa ni Lacson na sa nasabing panukala kanilang itinaas ang maximum penalty sa Prision Correccional.
Itinaas din ang parusa kahit sa mga hindi actual na nakilahok sa hazing pero nasa lugar na pinangyarihan ng insidente,
Gayundin aniya sa mga opisyal ng kapatiran kahit hindi lumahok o sumama sa proseso ng hazing.
Krista de Dios / Cely Ortega-Bueno / RPE