Tiyaking naipatutupad ng maayos ang anti hazing law.
Ito ang hamon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga abogadong mambabatas kasunod na rin nang pagkamatay ni UST Freshman law Student Horacio Castillo the Third.
Sa kaniyang pagbisita sa lamay ni Castillo binigyang diin ni Panelo na dapat nang matuldukan ang hazing para sa mga nais na sumali sa isang fraternity.
Inamin ni Panelo na dumaan din siya sa initiation rites nuong pumasok sa law school at hindi aniya lahat ay sinu suwerte sa hazing.
Tiniis aniya niya ang initiation dahil nais nilang sumali sa fraternity sa ngalan na rin ng kapatiran.
SMW: RPE