Nakatakdang kuwesyunin sa Korte Suprema ng PHAP o Private Hospital Association of the Philippines ang pagpapatupad Anti-Hospital Deposit Act.
Ito’y ayon kay PHAP President Dr. Rustico Jimenez, dahil sa may kinikilingan ang nasabing batas at bantad aniya ito sa pang-aabuso ng ilang mga pasyente kahit hindi kabilang sa sektor ng mahihirap.
Kasunod nito, nagpahayag din ng pagkabahala si Dr. Jimenez dahil malinaw na ito’y kontra sa mga doktor at kontra sa mga ospital na makapagbigay ng tamang benepisyo sa health professionals at de kalidad na serbisyo naman sa publiko.
Magugunitang nilagdaan noong Biyernes ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas na nagpapataw ng mas mataas na parusa sa mga opisyal ng ospital na tatangging tumanggap ng mga pasyente na walang pang-deposito.