Nilagdaan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital na hindi tatanggap ng mga pasyenteng walang ibabayad na deposito.
Sa ilalim ng Republic Act 109-321 o ang Anti-Hospital deposit Law, papatawan ng mas mabigat na multa at pagkakakulong ang mga ospital at medical clinics na Hindi magbibigay ng agarang atensyong medikal sa mga pasyenteng may seryosong sakit.
Mula Apat hanggang Anim na taong pagkakakulong o multang mula kalahating Milyon hanggang Isang Milyong Piso ang ipapataw sa may-ari ng ospital o di kaya’y direktor nito na hindi susunod nasabing batas.
Sakaling lumabag ng tatlong beses ang isang ospital o klinika, binibigyang kapangyarihan ng nasabing batas ang Department of Health na kanselahin ang lisensya ng mga ito.