Pinaiimbestigahan muli ng isang International Criminal Court Prosecutor sa ICC pre-trial chamber ang kontrobersyal na war on drugs sa Pilipinas.
Sa kabila ito ng apela ng gobyerno na ipagpaliban muna ang imbestigasyon dahil wala namang naging paglabag ang Pilipinas sa karapatang-pantao.
Sa 53 pahinang dokumento na lumabas sa website ng ICC kahapon, hiniling ni Prosecutor Karim Khan sa chamber na bigyan siya ng Go-signal upang maipagpatuloy ng kanyang tanggapan ang pagsisiyasat.
Batay kasi sa kanilang pagsusuri sa imbestigasyon sa ginawa ng Pilipinas, hindi nagawan ng angkop ng aksyon ang isyu.
Hindi aniya ito sumalamin sa ginawa ring imbestigasyon ng ICC prosecution kung saan marami ang namatay.
Matatandaang hanggang Mayo a-31, aabot na sa 6, 252 drug suspect ang namatay sa ilalim ng drug war operation sa Pilipinas.