Balik trabaho na ang anti-illegal drugs unit at task force against illegal drugs ng National Bureau of Investigation na pansamantalang natigil.
Ito ang ibinunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraan niyang hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na ang NBI sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Aguirre, malaking kawalan sa war on drugs kung hindi tutulong ang NBI lalo’t ito ang nakadiskubre at nakasamsam sa halos 900 Milyong Pisong halaga ng shabu na nagkakahalaga ng 6 Billion Pesos sa San Juan City, noong isang taon.
Itinuturing ito na pinaka-malaking halaga ng illegal drugs na nasabat ng mga otoridad.
Mahigit isang buwan ding nahinto ang imbestigasyon at case build-up ng NBI makaraang suspendihin ni Aguirre ang anti-illegal drugs operation ng naturang ahensya alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte.
By: Drew Nacino / Bert Mozo