Arestado ng mga otoridad ang tatlong mangingisda nang maaktuhan ang mga itong nagsasagawa ng illegal fishing sa cresta de gallo islet sa San Fernando, Romblon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Cajidiocan, lulan ng motorbanca ang mga mangingisda na gumamit ng air compressor bilang kanilang breathing apparatus sa fishing operation.
Nakumpiska rin sa mga ito ang isang unit ng cylinder tank, six spear guns, tatlong pares ng flippers, hose at tatlumpung kilo ng iba’t-ibang isda na naiturn-over na sa Office of the Municipal Agriculture (OMA).
Ayon sa pcg, nilabag ng mga suspek ang San Fernando Municipal Ordinance no. 35-b at hininintay pa ng organisasyon ang kaukulang kasong ihahain ng OMA.—sa panulat ni Joana Luna