Pinaiigting na ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng city health office ang leptospirosis drive para sa mga residenteng hindi maiiwasan ang paglusong sa baha matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon kay City Health Officer, Dr. Dulce Amor Miravite, nagbigay na sila ng prophylaxis at vitamins sa mga residente at evacuees maging sa mga rumesponde sa rescue operations.
Nagtalaga rin ng quick response team sa iba’t ibang evacuation centers para sa situation assessment ng mga residenteng nawalan ng bahay. —sa panulat ni Hannah Oledan