Bumuo na ng anti-looting task force ang Batangas Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan ng ari-arian ng mga residente sa mga lugar na nagpatupad ng lockdown.
Ayon kay Batangas Police Provincial Director –Colonel Edwin Quilates, kasado na rin ang mga checkpoints sa tig-isang entry at isang exit point sa mga bayan may lockdown kabilang ang Agoncillo, San Nicolas, Talisay, Taal, Balete at Lemery.
Kinumpirma ni Quilates na ghost towns nang maituturing ang mga nabanggit na bayan dahil nailikas nang lahat ng mga residente dito.
Nagkasundo lamang anya ang ilang lokal na opisyal na payagang makapasok ng ilang oras kada araw ang mga residente upang mapakain ang kanilang mga alagang hayop at ma-check ang kanilang mga ari-arian.