Sumugod sa People Power Monument ang mga grupo kontra Marcoses.
Sa pangunguna ng grupong Hashtag Marcos nilagyan nito ng pala na gawa sa polysterene o styrofoam ang kamay ng mga rebulto sa taas ng monumento.
Nanawagan din ang anti-Marcos groups na alisin sa libingan ng mga bayani ang mga labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon naman kay Father Robert Reyes hindi na sila papayag na muling makabalik sa Malakanyang ang pamilya Marcos.
Kaagad namang tumulak pa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang mga protester na nangakong aaraw-arawin ang pagra-rally para ipaalala sa publiko ang sinapit ng bansa sa ilalim ng batas militar noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By Judith Larino