Mariing kinondena ng mga anti-military junta sa Myanmar ang ginawang pagpatay ng security forces sa may nasa 50 rallyista.
Ito ang dahilan kaya’t nagdeklara sila ng “day of shame” upang ihayag sa buong mundo ang brutal na krimeng ginawa ng kanilang militar.
Nabatid na pinagbabaril ng mga sundalo sa ulo at likuran ang mga rallyista na nasa kalsada ng tangon, mandalay maging sa iba pang mga llugar sa bansa.
Nangyari iyon kaalinsabay ng pagdiriwang ng armed forces day ng kanilang military generals o ang araw kung kailan pumatay din ang mga ito ng 300 inosenteng sibilyan.