Sigurado nang isasalang sa pag-amyenda ang Anti-Money Laundering Law ng bansa.
Ayon kay Senador Teofisto ‘TG’ Guingona III, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang mga idaragdag nilang probisyon ay nakasalalay sa kalalabasan ng ginagawa nilang imbestigasyon sa money laundering na kinasasangkutan ng bansa.
Ang tiyak aniya ay ang pagsama nila sa casino sa masasakop ng bagong Anti-Money Laundering Law.
Sinabi ni Guingona na naging klaro sa ginawang pagdinig na ang 81 million dollars na hinihinalang bahagi ng ninakaw na pera ng Central Bank of Bangladesh ay napunta sa apat na bank accounts sa RCBC Jupiter Branch at kalaunan ay nilinis o ni-launder sa casino.
By Len Aguirre | Ratsada Balita