Nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO)-Region 12 at mga kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 12, sa mga sasakyan partikular na sa mga truck na dumadaan sa Makar Highway, General Santos City.
Ayon sa ahensya, mula sa 141 na bilang ng mga sasakyang ininspeksyon at tinimbang, 82 dito ang nahuling lumabag sa batas-trapiko sa ilalim ng Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Apat na truck naman ang lumabag sa itinakdang limitasyon ng kanilang kargang kagamitan o produkto, batay narin sa nakasaad sa Republic Act no. 8794 o ang Anti-Overloading Act.
Sinabi ng LTO, na patuloy nilang imomonitor ang mga pangunahing kalsada para maiwasan ang ibat-ibang uri ng insidente.