Mas pinalawig pa ng Department of Health (DOH) ang vaccination drive laban sa polio hanggang sa Abril 2020.
Ayon sa DOH, layon nitong mas madagdagan pa ang batang mababakunahan laban sa polio para ma-hit ang 95% coverage.
Gagawin ang sabayang patak kontra polio campaign sa NCR mula January 27 hanggang February 7 at March 9 hanggang March 20.
Mula January 6 hanggang 12 sa Basilan, Sulu, Tawi – Tawi, Zamboanga City, Isabela City at Sultan Kudarat.
Habang gagawin ang kontra polio drive sa kabuuan ng Mindanao mula February 17 hanggang March 1 at March 23 hanggang April 4.
Matatandaang umabot na sa siyam ang kaso ng polio sa bansa mula noong Setyembre.