Posibleng lumusot na sa ikalawang pagbasa ang Anti-Political Dynasty Bill.
Ipinabatid ni Capiz 2nd District Congressman Fredenil Castro na posibleng bago mag-recess ang kongreso ngayong linggo ay maaprubahan ang nasabing panukala.
Ayon kay Castro, nagpatawag na siya ng emergency meeting sa mga may-akda ng consolidated bill para malaman ang kanilang opinyon hinggil dito at kung saklaw ng panukala ang pagbabawal sa mga miyembro ng political dynasty ng isang probinsiya na tumakbo sa ibang lugar.
Nakasaad naman sa kanilang substitute bill na hanggang dalawang magkamag-anak lamang ang maaaring tumakbo sa eleksyon.