Tinanggal ng Bicameral Conference committee ang probisyon kaugnay sa Anti Political Dynasty sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Senador Chiz Escudero , hindi sang- ayon ang Bangsamoro Transition Commission sa nasabing probisyon dahil “discriminatory” at “selective” ito kung saan aplikable lamang ito sa Partylist Representatives.
Nakasaad sa Article 7 , Section 15 ng bersyon ng Senado ng inaprubahang BBL, na na ipinagbabawal maging sa Partylist Representatives ang mayroong kamag-anak hanggang 2nd degree of “consanguinity and affinity” sa district representative.
Kahapon , umarangkada na ang tatlong araw na Bicameral Conference Committee hearing para sa BBL.