Hiniling na ng Makabayan Bloc sa Kamara na isabatas na ang matagal ng nakabinbing Anti-pork barrel Bill.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Terry Ridon, tila inaamag na sa Appropriations Committee ang House Bill 1535.
Bagaman noong 2013 pa naka-tengga, hindi naman aniya ikina-calendar ang naturang panukala ni Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab na Chairman ng komite.
Layunin ng House Bill 1535 o “an Act of Abolishing the Pork Barrel System” at House Bill 1492 o Bicameral Transparency Act na tuluyang buwagin ang lahat ng uri ng Priority Development Assistance Fund.
Iginiit ni Ridon na bukod sa pork barrel system, mabubuwag na rin ang sistema ng korapsyon sa bansa sa oras na isabatas ang naturang panukala.
By Drew Nacino | Jill Resontoc (Patrol 7)