Handa na ang gobyerno sa implementasyon ng programang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) sa iba’t ibang probinsya sa Central Luzon.
Ito’y makaraang lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Department of Agrarian Reform (DAR), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at grupo ng mga magsasaka sa “virtual signing” na ginanap sa Clark, Pampanga.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakatuon ang administrasyon sa pagtiyak ng food security at pagtugon sa kagutuman sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na magpapalakas ng kita at ani ng mga magsasaka.