Ikinasa ng Quezon City Government ang anti rabies vaccination program nito sa mga itinuturing na high risk areas sa lungsod.
Pinangasiwaan ng veterinary department ng QC government ang pagbabakuna sa district 1 kung saan limang kaso ang naitala sa nakalipas na buwan kabilang ang isang nasawi matapos kagatin ng aso.
Una nang pinahigpit ng QC government ang pag aalaga ng mga hayop sa bahay gayundin ang paggala ng mga askal o mga asong kalye.