Binigyang pagkilala ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas ang nasa 28 tanggapan ng pamahalaan, ospital at local government units sa rehiyon.
Kasunod ito ng matagumpay na pagpapatupad nila ng polisiya sa anti-smoking.
Ayon kay DOH-8 Regional Information Officer John Paul Roca, masaya silang marami sa mga LGU’s, ospital at mga tanggapan ng pamahalaan sa Eastern Visayas ang nakikiisa sa kampanya para sa isang smoke-free na kapaligiran.
Binanggit pa ni Roca ang ilang mga local excutives na sumuporta at nakiisa sa anti-smoking campaign ng DOH Region 8 kahit pa nagresulta ito sa pagbaba ng kita ng kanilang lugar.
Kabilang sa mga pinarangalan ay ang mga LGU’s ng Arteche Eastern Samar, Ormoc City, Mapanas Northern Samar at Tomas Oppus at San Francisco sa Southern Leyte.
Gayundin ang Biliran Provincial Health Office, Northern Samar Provincial Health Office at 19 na kulungan sa Region 8.
Habang idineklara nang hall of famer ang mga bayan ng San Antonio Northern Samar; Limasawa, Padre Burgos at Maasin City sa Southern Leyte, Northern Samar Provincial Hospital, Allen District Hospital at Tacloban City Hospital.